Connect with us

Aklan News

DALAWA PATAY NANG MALUNOD SA ILOG SA LUPIT, BATAN

Published

on

Dalawa ang patay matapos malunod sa ilog kahapon alas 10:30 ng umaga sa So. Batog, Brgy. Lupit, Batan, Aklan.

Nakilala ang mga ito na sina Dialen Delos Santos, 35 anyos at pamangkin nito na si Jose Romar Eli, 10 anyos habang nailigtas  naman ng nga residente doon ang anak ni Delos Santos na Rai Gabriel, 10 anyos lahat residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Radyo Todo kay PSSgt. Jessie Lauz ng Batan Municipal Police Station, sinabi nito na nangyari ang insidente habang hinuhugasan nila ang mga nakuhang tuway o clam shell, naliligo naman ang dalawang bata ngunit napansin umano ni Dialen na nalulunod ang dalawang bata kaya dali-dali niya itong sinaklolohan ngunit may kalaliman ang ilog at dahil hindi umano ito marunong lumangoy rason ng kanyang pagkalunod kasama ni Jose Romar.

Ayon pa kay PSSgt. Lauz, nagtulong tulong ang mga residente, brgy.tanod at Batan MDRRMO para hanapin ang ang dalawa at kinalaunam nakita si Jose Romar sa ilalim ng tubig na nangingitim na.

Agad na isinalalim sa CPR at mabilis na dinala sa Altavas Dist. Hospital ngunit ideneklara itong dead on arrival.

Samantala nakita naman amg bangkay ni Dialen bandang alas kwatro y medya ng hapon kahapon na nakasampay sa lambat sa naturang lugar.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *