Connect with us

Aklan News

DAHIL SA DATING AWAY SA LUPA, LALAKING NAGMOMOTORSIKLO, HINARANG AT PINAGTATAGA

Published

on

Libacao – Sugatan at patuloy pang ginagamot sa ospital ang isang lalaki matapos harangin at pagtatagain bandang alas 7:30 kahapon ng umaga sa Sitio Balisong, Pampango, Libacao.

Nakilala ang biktimang si Jayson Zonio, 27 anyos, habang nakilala naman ang dalawang suspek na sina Renegie Sison, 31 anyos, at kasama nitong si Josie Ritas, lahat residente ng nasabing lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Libacao PNP, nagmomotorsiklo umano ang biktima, angkas ang kapatid nitong si Jilvy Zonio nang parahin umano ng mga nasabing suspek na kapwa armado ng itak.

Bigla na lamang umano nilang pinagtataga ang biktima, habang mapalad namang nakatalon mula sa motorsiklo ang kapatid nito at nakahingi ng saklolo.

Kaagad namang rumesponde at nag-imbestiga sa lugar ang Libacao PNP matapos magpasaklolo sa kanilang himpilan ang tiyuhin ng biktima, bandang alas 9:00 ng umaga ring iyon.

Samantala, kaagad ding inaresto ang suspek na si Renegie, matapos ihatid ng kanyang pamilya at ni Pampango Barangay Chairman Adriano Dala sa presento, bandang alas 11:45 ng tanghali kahapon, habang nananatiling atlarge ang suspek na si Josie Ritas.

Inihahanda naman ng Libacao PNP ang kasong Frustrated Murder na isasampa bukas laban sa suspek na si Renegie.

Lumalabas pa sa imbestigasyon na dati na umanong may away sa lupa ang magkabilang panig, na siya namang itinuturong dahilan ng insidente.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *