Connect with us

Aklan News

Dahil sa dating alitan dalawang lalaki sugatan

Published

on

By

Sugatan ang dalawang lalaki matapos mag-agawan ng itak kagabi sa Sitio Laguna, Cayangwan, Makato, Aklan.

Kinilala ang biktima na si Rafael Tambong, 48 anyos habang ang suspek ay nakilala na si Renato Salinog, 47 anyos at parehong residente ng nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng Makato Pnp, pumunta umano ang suspek sa bahay ng biktima at may namagitang diskusyon sa dalawa dahil sa hindi pa naaayos na problema nila na nakabinbin sa barangay.

Kumuha ng itak ang biktima at nagtangkang tagain ang suspek ngunit naagaw sa kanya ito.

Dahil nag agawan ng itak ang dalawa, pareho rin silang nagtamo ng sugat sa kamay.

Dinala sa Aklan Provincial Hospital si Salinog pero nirefer naman ito sa OPD department matapos mabigyan ng paunang lunas habang si Tambong ay tumanggi nang magpadala sa ospital.