Connect with us

Aklan News

BUS, AKSIDENTENG NABANGGA NG DUMP TRUCK

Published

on

Altavas – Aksidenteng nabangga ng isang dump truck ang ceres bus bandang ala 1:30 kaninang hapon sa highway ng crossing Guisi, Odiong Altavas.

Base sa report ng Altavas PNP, kapwa papuntang Kalibo ang Ceres Bus na minamaneho ni Jerson Ponesto, 43 anyos ng Bungsuan, Dumarao, Capiz, habang sa hulihan naman nito ang dump truck na minamaneho ni Zhedric Gervacio, 44 anyos ng Pampango, Libacao.

Lumalabas sa imbistigasyon ng pulis na pinaharurot umano ni Gervacio ang truck para sana mag-overtake o unahan ang bus.

Subalit tiyempo namang may makakasalubong itong sasakyan, kung kaya’t kaagad itong bumalik sa kanyang linya, at nabangga naman ang sinusundang bus.

Resulta, kapwa nagtamo ng pinsala ang mga nasabing sasakyan , habang mapalad namang walang nasugatan sa nasabing insidente.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *