Connect with us

Aklan News

Board member Nemesio Neron at kanyang asawa, tinamaan ng COVID-19

Published

on

By

PHOTO: Aklan Sangguniang Panlalawigan/Facebook

SINAPUL ng COVID-19 si Sangguniang Panlalawigan member Nemesio Neron at ang kanyang asawang si kapitan Alma Neron ng Brgy. Sigcay, Banga.

Kinumpirma mismo ni Board member Nemesio Neron sa panayam ng Radyo Todo na nagpositibo siya sa nasabing virus at kasalukuyan silang naka-quarantine ng kanyang asawa sa Metro Manila.

Pahayag niya, bago paman sila lumipad sa Manila noong Agosto 23 ay nakakaramdam na siya ng sintomas gaya ng sipon at ubo.

Pagdating sa Manila ay dumiretso sila ng ospital para magpa-antigen at RT-PCR test at lumabas na positibo siya sa virus.

Kinabukasan, sunod na sumailalim sa RT-PCR test ang kanyang misis na nagpositibo rin sa sakit.

Nagpasalamat naman si Neron na mild lamang ang sintomas ng sakit na dumapo sa kanila at kahapon matapos silang mag pa antigen test ay lumabas na clear na ang resulta.

Nagpaalala rin siya sa publiko na maging transparent lalo na sa mga dinapuan ng virus para maiwasan na makahawa pa ng ibang tao.

Ipinaalala rin niya ang kahalagahan ng pagpapaturok ng bakuna laban sa  COVID lalo na ang pagpapa-booster shot.