Connect with us

Aklan News

Barbero na drug surrenderer, huli sa buy bust operation sa Boracay

Published

on

By

BALIK-KULUNGAN ang isang barbero na dati nang nahulihan ng droga matapos na mabilhan ng shabu sa buy bust operation ngayong umaga sa Sitio Sinagpa, Brgy. Balabag sa Boracay Island.

Kinilala ang naarestong si Gerome Gargoles, 49 anyos, tubong Oton, Iloilo at kasalukuyang naninirahan sa Boracay.

Nasabat mula sa suspek ang isang sachet ng shabu kapalit ng P1100 na buy bust money at dagdag na tatlong sachet mula sa body search.

Ayon sa team leader ng Malay PNP na si PLT. Nerbiol, nagtutulak ng droga ang suspek sa kanyang mga kapwa barbero at mga customer.

Tatlong buwan din umano nilang sinubaybayan si Gargoles bago isinagawa ang operasyon kung saan matagumpay itong nahuli.

Sa panayam naman ng Radyo Todo kay Gargoles, inamin nito na isa siyang drug surrenderer at dati na ring nahuli sa buy bust noong 2016 kung saan nakulong siya ng anim na taon.