Connect with us

Aklan News

AMAIN, TINAGA NG STEPSON

Published

on

Sugatan ang isang amain matapos umanong tagain ng kanyang stepson alas 11:00 kagabi sa Sitio Macawiwili, Cabugao, Batan.

Nakilala ang biktimang amain na si Jare Marcelino, 44 anyos na nagtamo ng sugat sa mukha dulot ng pananaga, habang arestado naman ang kanyang stepson na si Ronaldo Dela Cruz, 30 anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng pulis, magkasama ring nag-inuman ang dalawa sa bahay ng bayaw ni Marcelino.

Kinalaunan, nagtalo umano ang dalawa sanhi ng kalasingan, subali’t sinasabing naunang umuwi ang kanyang stepson.

Kinalaunan, umuwi umano ang biktima, subali’t inabangan pala ito ng suspek at tinaga.

Kaagad dinala sa Altavas Hospital ang biktima, habang tumakas ang suspek matapos ang insidente.

Kinalaunan, umuwi umano ang suspek at siya rin mismo ang tumawag ng pulis para sumuko.

Advertisement

Kinumpirma naman ng Batan PNP na hindi magsasampa ng reklamo ang amain laban sa kanyang stepson.