Connect with us

Aklan News

DALAWANG WANTED SA KASONG PAGNANAKAW, ARESTADO

Published

on

Dalawang wanted umano sa kasong pagnanakaw ang magkasunod na naaresto arestado ng Banga PNP kagabi sa Linabuan Sur, Banga.

Nakilala ang mga akusadong sina James Orandain, 19 anyos, unang naaresto alas 7:30 kagabi at Reymon Dela Cruz, 23 anyos, na naaresto naman alas 8:30 kagabi rin mismo, kapwa residente ng nasabing lugar.

Isinilbi sa kanila ng Banga PNP ang kanilang Warrant of Arrest na may Criminal Case No.2310-A, na ibinaba kahapon lamang ni Hon.Alicia A Cruz Barrios, Presiding Judge MTC 6th Judicial Region.

Pansamantala silang ikinostodiya ng Banga PNP, subali’t nakahanda rin umanong magpiyansa ng P6,000.00 bawat isa para sa kanilang pansamantalang kalayaan.