Connect with us

Aklan News

AKELCO pinag-iingat ang publiko sa umano’y umiikot na survey

Published

on

Pinag-iingat ngayon ng pamunuan ng Aklan Electric Cooperative (AKELCO) ang publiko lalo na ang kanilang mga member-consumers sa umano’y umiikot na survey nila.

Sa panayam ng Radyo Todo kay AKELCO General Manager Atty. Ariel Gepty, sinabi nito na nakarating sa kanila ang impormasyon na may nagsasagawa umano ng survey noong pre-membership orientation seminar.

Ipinarating umano ito sa kanilang ng isa sa kanilang mga aplikante ng serbisyo ng AKELCO.

Mayroon aniyang indibidwal na nag-iikot sa kanilang lugar at nagsasagawa ng survey may kaugnay sa kooperatiba.

Saad naman ni Gepty hindi nila nakita angh dokumento pero pinag-iingat nila ang publiko hinggil dito.

Ito ay upang maprotektahan ang mga personal na impormasyon ng mga member-consumer ni AKELCO.

Dagdag pa ni Gepty na kung maaari ay huwag makisali sa nasabing survey dahil hindi ito sa kanila.

“Kami bilang distribution utility, para maproptektahan ro personal nga impormasyon it mga member-consumer hay amon sanda nga ginadilian nga indi sanda magpartisipar dikaruyon dahil bukon ta it amon ron nga pa-survey,” pahayag ni Gepty.