Connect with us

Aklan News

Isa sa mga sangkot sa pagkidnap sa tumakbong kapitan arestado

Published

on

By

Napasakamay na sa ngayon na mga kapulisan ang isang wanted person matapos maaresto kagabi sa Barangay Dumaguit, New Washington.

Sa pinagsanib na pwersa na New Washington Pnp CIDG at 1ST Aklan Mobile Force Company naaresto ang akusado na si Lope Villaran 37 anyos  na tubong  Milagros, Masbate at kasalukuyang nakatira sa  Fatima, New Washington.


Todo Media Magazine

Ipinalabas ang warrant of arrest na nilagdaan ni Hon. Judge Maximo R. Ables ng RTC Fifth Judicial Region Branch 47 na may petsang June 18,2008 walang piyansang inerekomenda ang korte para sa kanyang pansamatalang kalayaan.

Napag-alaman na nangyari ang pagkidnap sa tumakbong Barangay Kapitan na si Joel Paglinauan noong 2003 at isa sa mga itinuturong sangkot dito si Villaran.

Itinanggi naman ng akusado ang kanyang partisipasyon sa insidente at ayon sa kanya ay tulog sya ng mangyari ang insidente.

Sa ngayon ay nakakulong ang akusado sa New Washington Municipal Police Station para sa karagdagang disposisyon.