Connect with us

Aklan News

59 anyos na rider ng motorsiklo, patay matapos mabangga ng close van

Published

on

Dead on arrival sa hospital ang isang rider ng motorsiklo matapos aksidenteng mabangga ng close van bandang ala 1:30 kahapon ng hapon sa Linabuan Sur, Banga.

Nakilala ang biktimang si Rolando Tulio, 59 anyos ng nasabing lugar, habang nakilala naman ang driver ng van na si Jolysis Fuentes, 52 anyos ng Alacaygan, Banate, Iloilo.

Base sa imbestigasyon, papuntang Kalibo noon ang nagmomotorsiklong si Tulio, nang lumiko umano ito pakaliwa, at aksidenteng nabangga ng nakasunod sa kanyang van.

Resulta, sumemplang sa kalsada ang biktima na nagtamo ng malubhang pinsala sa ulo, na dinala pa sana sa ospital, subalit hindi na umabot ng buhay.

Nasa kustodiya pa ngayon ng Banga PNP Station ang driver na si Fuentes at naka impound ang minamaneho nitong van para sa karampatang disposisyon.