Connect with us

Aklan News

Tindahan pinasok ng kawatan, P5K halaga ng paninda tinangay

Published

on

Pinasok ng hindi pa nakikilalang suspek ang isang tindahan kaninang madaling araw sa New Buswang, Kalibo.

Nakilala ang may-ari ng tindahan na si Adam Anos, 36 anyos ng nasabing lugar.

Base sa inisyal na report, nadatnan na lamang ng biktima na bukas na ang pintuan ng kanyang tindahan, at sira na rin ang chain lock nito.

Nagkalat din umano ang mga gamit nito sa loob, at wala na ang mga ilan sa mga paninda niyang sigarilyo, mga relo at delata.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Kalibo PNP sa nasabing insidente.