Connect with us

Aklan News

COVID cases sa Aklan, umabot na sa 75

Published

on

Umakyat na sa 75 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa probinsya base sa pinakahuling datos ng Aklan Provincial Health Office (PHO).

Isang panibagong kaso ng COVID-19 ang dumagdag sa listahan kahapon, September 18, siya si Case #75, isang 42 anyos na babae na taga Kalibo na pumunta sa Iloilo para sa kanyang medical check-up.

Kasalukuyan itong asymptomatic at naka-refer sa Iloilo City Health Office.

Base sa PHO, 36 na ang active cases ng probinsya, 31 sa kanila ang naka-facility quarantine, 4 ang naka admit, at isa ang naka home quarantine.

Nakapagtala na rin ang probinsya ng 35 recoveries at 4 deaths. Isa ang mula sa numancia at tatlo sa Kalibo.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *