Connect with us

Aklan News

LALAKI, SINAKSAK NG KAINUMAN

Published

on

Sugatan ang isang lalaki matapos saksakin ng kainuman kagabi sa Ma. Cristina, Madalag.

Itinawag ng Barangay Chairman doon na si Hon. Samuel Nalupa ang insidente bandang alas 2:00 kaninang madaling araw kung saan nakilala ang biktimang si Warlito Nabalde Mediano, 45 anyos at ang itinuturong suspek na kanya ring kainuman na si Jaylord Placido Islao, pawang residente ng nasabing lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nasa isang birthday celebration ang dalawa nang mangyari ang insidente habang kumakanta sa videoke ang biktima.

Pinatigil umano ng suspek sa pagkanta ang biktima sa hindi matukoy na dahilan at sinaksak.

Kaagad tumakas ang suspek habang dinala sa pagamutan ang biktima.

Patuloy pang pinaghahanap ng mga pulis ang suspek kasabay ng nagpapatuloy na imbestigasyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *