Connect with us

Aklan News

APAT NA LALAKI ARESTADO SA ILLEGAL NA PASABONG

Published

on

Photo Courtesy| Malay PNP

Kalaboso ang apat na lalaki sa isinagawang tupada o sabong kahapon sa Brgy. Manocmanoc sa isla ng Boracay.

Nakilala ang mga naaresto na sina Joe Anthony Valencia 35 anyos residente ng Manduriao, Iloilo, Rutsel Sardañas, 35 anyos, residente ng Pandan, Antique, Renato Glori Sumanting, 37 anyos ng Sitio Tambisaan, Manocmanoc at Ramil Gelito, 55 anyos, residente naman ng Sitio Cagban, Manocmanoc, Boracay. 


Naaresto ang mga suspek matapos makatanggap ng report ang Malay PNP na merong tupada o sabong sa Sitio Lugutan, Manocmanoc, Boracay.

Kaagad pinuntanhan ng mga pulis ang nasabing lugar at naaktuhan mismo ng mga pulis ang isinasagawang tupada kaya agad ng inaresto ang mga suspek.

Narekober ng mga pulis ang tatlong pansabong na manok tarik at isang libong peso.

Nakakulong na sa Boracay PNP ang mga suspek na sasampahan ng kasong paglabag sa PD 1602 o illegal cockfighting.

Program/Beat: Reporter/Boracay
Years/background in Media works: 10 years
Why chose this profession: Passion
Principle in life: “Do what You Love...

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *