Connect with us

Aklan News

SUSPEK SA PANANAKSAK- PATAY SA KAINUMAN, ARESTADO NA

Published

on

Jaylord Placido Islao. Photo courtesy| Madalag PNP

Arestado at nasa kustodiya na ngayon ng Madalag PNP ang suspek na sumaksak-patay sa kaimunan bandang alas 11:00 kagabi sa Sitio Liktinon, Ma. Cristina, Madalag.

Ayon sa Madalag PNP, naaresto nila bandang alas 7:00 nitong umaga ang sa kanyang bahay sa nasabing lugar ang suspek na si Jaylord Placido Islao, 27 anyos na isa palang pipi at bingi.


Kaugnay nito, pinag-aaralan pa ng Madalag PNP ang isasampang kaso laban sa suspek matapos mabatid sa inisyal na imbestigasyon na wala namang nangyaring komosyon dahil sinunod naman umano ng biktima nang patigilin siya ng suspek sa pagkanta.

Sa kabila nito, nabatid na pinagsasaksak parin ng suspek ang biktima sa kanyang dibdib, mukha at paa na siyang itinuturong dahilan ng kanyang pagkamatay.

Samantala, hindi na narekober ng mga pulis ang ginamit umanong patalim ng suspek.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *