Connect with us

Aklan News

BINATANG RUMESBAK SA SINUNTOK NA KATROPA, SINAKSAK

Published

on

sinaksak

Kalibo – Sugatan ang 18 anyos na binata matapos masaksak ala 1:00 kahapon ng madaling araw sa Sitio Libtong, Estancia, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Jimboy Fernandez Bitos at ang suspek na si Juneses Ibañez Dela Cruz, 26 anyos, pawang mga residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, sinuntok ng suspek si Jhon Rabe Magbiro habang nanunood ng street dancing sa hindi natukoy na dahilan.

Subalit sinasabing nagsumbong sa kanyang mga katropa ang biktima, rason na rumesponde ang biktimang si Jimboy kasama ang isa pang 17 anyos binatilyo.

Kasunod nito, kinumpronta umano nila ang suspek, subalit nagalit umano ito at sinuntok naman ang biktimang si Jimboy.

Nagsuntukan ang dalawa at nagpangbuno, subalit may patalim pala ang suspek at sinaksak sa likod ang biktima.

Kaagad dinala sa ospital ang biktima at mabilis naman na tumakas ang suspek matapos ang insidente.

Samantala, alas 8:00 kahapon ng umaga nang dalhin mismo ng kanyang ama sa Kalibo PNP Station ang suspek na dinala naman ng mga pulis sa ospital, kung saan siya positibong kinilala ng biktima.

Dahil dito, kaagad siyang inaresto at pansamantalang ikinustodiya sa Kalibo PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *