Aklan News
Mahigit 40 mag-aaral sa kolehiyo binigyan ng scholarship ni Cong. Castro

Published
1 year agoon

Nakatanggap ng iskolarsyip ang mahigit 40 mag-aaral sa kolehiyo mula sa premiro distrito ng probinsiya mula kay Capiz 2nd District Representative Fred Castro.
Ang pamamahagi ng educational assistance ay isinagawa sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development sa Roxas City araw ng Huwebes.
Sa kanyang talumpati sinabi ni Castro na nasa 40,000 na na mga kabataan ang kanyang nabigyan ng scholarship sa buong Capiz sa kanyang termino.
Aniya una nang ipinamahagi ang educational assistance sa mga benipesaryong mga estudyante sa segundo distrito noong nakaraang buwan.
Paalala naman ng kongresista sa mga estudyante na mag-aral ng maigi para makapagtrabaho ng maayos at makatulong sa mga magulang.
You may like
-
36 anyos na babae arestado sa pagtutulak ng iligal na droga sa Roxas City
-
7 babae arestado dahil sa pagsusugal sa Roxas City
-
19 anyos na lalaki patay matapos bumangga ang motorsiklo sa isang sasakyan
-
4 lalaki arestado sa iligal na pagsasabong sa Pilar, Capiz
-
51 anyos na babae arestado sa kasong Estafa
-
21 sachet ng ‘shabu’ narekober sa isang drug suspect sa Pontevedra, Capiz