Connect with us

Aklan News

LASING NA MOTORISTA BUMANGGA SA POSTE, SUGATAN

Published

on

Numancia – Ospital ang bagsak ng isang lasing na drayber matapos itong bumangga sa isang kongkretong poste dakong alas 7:20 kagabi.

Sugat sa ulo at katawan ang tinamo ng biktimang si Sammy Sevilla, 42 anyos at residente ng Poblacion, Lezo na tinulungan ng mga residente na dalhin sa ospital.

Batay sa imbestigasyon ng kapulisan, galing sa bisperas ng Brgy. Navitas ang biktima na nakipag-inuman sa mga kakilala at umuwing lasing sakay ng kanyang motorsiklo.

Subalit pagdating sa Brgy. Badio ay nawalan ito ng kontrol sa manibela at bumangga sa poste. Kasalukuyan na itong nagpapagaling sa pagamutan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *