Connect with us

Aklan News

2 WANTED DAHIL SA ILEGAL NA PANGINGISDA ARESTADO

Published

on

Arestado sa Cawayan, New Washington ang dalawang lalaking wanted dahil umano sa ilegal na pangingisda sa ilalim ng RA 10654 o Philippine Fisheries Code of 1998.

Base sa report, magkasunod na sinilbihan ng warrant of arrest ang mga akusadong sina Robert Bonifacio, 56 anyos, at Babylon Bonifacio, 44 anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.


Ibinaba ni Hon.Rhea Imperial Vidal, Presiding Judge 1st MCTC New Washington-Batan ang kanilang mandamyento de aresto sa kaparehong Criminal Case No.3205-N nito lamang nakaraang Lunes, September 21, 2021.

Pansamantala naman silang ikinostodiya ng New Washington PNP matapos maaresto ng Maritime Police, subali’t maaring makalaya pansamantala sa piyansang P32, 000.00 bawat isa.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *