Connect with us

Aklan News

2 WANTED DAHIL SA ILEGAL NA SABONG, ARESTADO

Published

on

Illegal na Sabong

Arestado sa magkahiwalay na pagtugis ng Batan PNP ang dalawang wanted sa kasong paglabag sa PD 449 (Cockfighting Law) o Illegal na sabong.

Ayon sa Batan PNP, unang naaresto alas 9:00 kagabi sa Camanci, Batan si Eugene Lopez, 35 anyos ng nasabing lugar, habang kanina lamang alas 5:30 ng umaga naaresto sa Napti, Batan si Ruben Tolosa, 66 anyos, residente rin ng nasabing lugar.


Base pa sa report, magkasabay na ibinaba ni Hon.Judge Rhea Imperial Vidal, Presiding Judge, 1st MCTC New Washington-Batan ang kanilang warrant of arrest nito lamang nakaraang Huwebes, September 23, 2021.

Kapwa nasa kustodiya ngayon ng Batan PNP ang dalawa para sa karampatang disposisyon, habang inirekomenda naman ng korte ang P30 ,000.00 na piyansa bawat isa para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Samantala, kinumpirma naman ng Batan PNP na kapwa nahuli at sinampahan na ng kaso ang dalawa dahil umano sa ilegal na sabong nitong nakaraang Marso, subali’t na idismiss dahil sa hindi umano agad naipresentang mga ebidensya.

Ganun paman, muling isinampa ang kanilang kaso sa pamamagitan ng regular filing rason ng kanilang warrant of arrest.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *