Connect with us

Aklan News

2 SUGATAN SA PAMAMARIL; SUSPEK, PINAGHAHANAP

Published

on

Ibajay – Dalawa ang sugatan sa pamamaril bandang alas 10:00 kagabi sa Antipolo, Ibajay.

Nakilala ang mga biktimang sina Jose Gubaton, 22 anyos ng nasabing lugar, at Richard Jordan, 21 anyos ng Laserna, Nabas, habang pinaghahanap pa ng mga pulis ang suspek na nakilala lamang kay Carlos Demas Tanulio.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Ibajay PNP, nagtalo ang mga biktima at suspek sa hindi pa malamang dahilan hanggang sa bumunot ng baril ang suspek at binaril ang mga biktima.

Nagtamo ng daplis na sugat sa paa si Jordan rason na kaagad din itong nakalabas sa Ibajay District Hospital, habang naka confined sa Aklan Provincial Hospital si Gubaton sanhi ng sugat niya malapit sa dibdib.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Ibajay PNP sa insidente habang patuloy na pinaghahanap ang suspek.