Connect with us

Aklan News

Biyenan, patay matapos umanong makipagbarilan sa kanyang manugang

Published

on

Patay ang isang 70 anyos na lalaki matapos umanong makipagbarilan sa kanyang manugang sa Monlaque, Ibajay.

Nakilala ang biktimang si Orlando Pines, at ang itinuturong suspek na si Jury Batoy, 35 anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng Ibajay PNP, unang napaulat na dinala sa Ibajay Hospital si Batoy matapos umanong barilin sa mukha ng kanyang biyenan bandang ala 1:35 kahapon ng hapon sa nasabing lugar, kung saan sinasabing pauwi noon si Batoy mula sa barangay hall matapos naman nitong ireklamo si Pines dahil sa pagsira umano nito ng kanyang pananim at bakod.

Kaugnay nito, kaagad nagsagawa ng imbestigasyon sa lugar ang Ibajay PNP kung saan nadatnan ang biktimang si Pines na nakadapa na may itak sa baywang, at home made shut gun sa paanan.

Isinugod pa siya sa ospital, subali’t hindi na ito umabot ng buhay.

Samantala, kaagad ding tinungo ng Ibajay PNP ang bahay ni Batoy, kung saan narekober naman malapit sa kanilang palikuran ang home made shut gun na ginamit umano nito sa pagbaril-patay sa kanyang biyenan.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Ibajay PNP sa insidente habang naka hospital arrest ang biktimang naging suspek narin na si Jury Batoy.