Connect with us

Aklan News

Ibajay PNP, may person of interest na sa pagpatay sa dating punong brgy. sa Bagacay

Published

on

By

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Ibajay PNP sa pagpaslang sa dating punong barangay ng Bagacay na si Melvin Cabales.

Ayon kay PCpl. Vanrick Ursos, imbestigador ng Ibajay PNP, mayroon na silang person of interest sa kaso batay sa kanilang nakita sa mga CCTV footage pero hindi pa nila matumbok kung ito talaga ang bumaril kay Cabales.

“Ongoing kay sige review sa CCTV, may lead kung sino ang nakita sa CCTV, base amo to siya ang makatudlo. Kinahang-ean pa gid nga maiconnect ang ibang video sa CCTV nga nakita sa banwa,” saad ng imbestigador.

Lumalabas sa imbestigasyon na apat na indibidwal na naka-face mask sakay ng dalawang motorsiklo ang sumunod sa mag-anak mula sa panonood ng basketball sa Ondoy.

Malaki aniya ang posibilidad na ang mga ito ang gunman na sangkot sa krimen.

Binanggit pa ni Pcpl. Ursos na “well trained” ang bumaril sa dating kapitan na tinamaan ng bala sa may batok na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Posible rin aniya na kilala ng misis ng dating kapitan kung sino ang bumaril sa kanyang mister.

Sa kasalukuyan, pinag-aaralan pang mabuti ng imbestigador ang mga kuha ng CCTV na posibleng makatulong sa paglutas ng kaso. (MAS)