Connect with us

Aklan News

2 SUGATAN SA INSIDENTE NG PANANAGA

Published

on

Dalawa ang sugatan sa insidente ng pananaga pasado alas 9:00 kagabi sa Sitio Kataid, Tambuan, Malinao.

Nabatid sa imbestigasyon ng Malinao PNP na unang naitawag sa kanilang estasyon ang tungkol sa pananaga umano sa biktimang si Ronelo Puod, 35 anyos, at ang itinuturong suspek na si Angelo Albacino, 30 anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.


Suspect Angelo Albacino

Kaugnay nito, sa ekslusibong panayam ng Radyo Todo kay Angelo, nabatid na tinaga umano niya si Ronelo, nang malamang tinaga nito ng una ang kanyang kapatid sa ina na si Karlo Igcas, 25 anyos, residente rin ng Tambuan, Malinao.

Nagkataon umano kasi na nagkasalubong sa daan ang magkapatid na Angelo at ang duguang si Karlo, kung kaya’t kanya itong inusisa.

Sinasabing nakasunod din umano noon si Ronelo, rason na tinaga naman ito ni Angelo sa kanang balikat.

Samantala, kaagad namang naaresto si Angelo habang dinala rin sa provincial hospital ang kanyang kapatid na tinamaan sa kaliwang braso, kung saan unang dinala si Ronelo.

Nabatid na humingi ng tulong si Angelo at kanyang kapatid sa bahay ng amo ng kanilang tiyuhin, bago sila nakuha ng mga pulis.

Kasunod nito, naaresto at kasalukuyang nasa kustodiya ng Malinao PNP si Angelo para sa karampatang disposisyon.

Samantala, mariin naman itinanggi ni Angelo ang lumabas sa imbestigasyon ng Malinao PNP na sinaway silang magkapatid ni Ronelo dahil sa pag-iiskandalo nila at paghahamon ng away bago nangyari ang insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *