Connect with us

Aklan News

2 nagpapataya ng bookies, huli sa magkahiwalay na anti-illegal gambling ops

Published

on

By

NALAMBAT ng mga kapulisan ang dalawang indibidwal na nagpapataya ng bookies sa magkahiwalay anti-illegal gambling operation kahapon.

Unang naaresto ng Kalibo PNP ang 37 anyos na lalaking taga Estancia dakong alas-12:30 kahapon sa may Capitol Site.

Nakuha mula sa kanya ang mga pera at cotejo na ginagamit sa pagpapataya.

Sunod na naaresto ng Numancia PNP ang 59 anyos na babae sa Laguinbanwa East, Numancia.

Huli sa akto ang ginang na nangongolekta ng pusta sa bookies.

Narekober mula sa kanya ang mahigit P13,000 na koleksyon at ilang mga kagamitan na ebidensya sa pagpapataya.

Parehong mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa RA 9287 o Illegal Number Games. /MAS