Connect with us

Tech

Bagong safety feature ng Twitter para malabanan ang misinformation ay available na sa Pilipinas bago ang Halalan 2022

Published

on

By

Twitter new feature

Ayon sa Twitter, meron na silang bagong safety feature sa pag-uulat ng mga potensyal na misinformation, na kanilang na-test na sa ilang piling lugar na magagamit na ngayon sa Pilipinas, Brazil, at Spain.

Sa ilalim ng safety tool, maaring nang ma-flag ng mga users ang isang Tweet bilang “Misleading” sa Report Tweet tab.

Na-roll out ang feature na ito noong Agosto 2021 sa US, South Korea at Australia.

Ang pag-eexpand ng coverage ang magbibigay-daan sa Twitter na magkaroon ng mas maraming feedback mula sa community upang lalo nilang maunawaan ang “conversation and challenges around misinformation.”

“We’ll continue to use the data from this test to inform how we use misinformation reports and roll out this feature globally throughout 2022,” pahayag ng Twitter batay sa ulat ABS-CBN.

Misinformation among the biggest challenges Twitter faces

Makakatulong ang darating na May 2022 presidential polls sa Pilipinas upang higit na masuri ang halaga ng feature na ito “during civic events.”

Batay sa kanilang data, “vast majority” ng content na ina-aksyunan ng Twitter ay ang mga contents patungkol sa COVID-19 misinformation, civic integrity at synthetic at manipulated media policies.

Mahigit 50% ng mga violative content ay natutukoy ng automated systems, habang ang majority ng natitirang content ay sa pamamagitan ng regular monitoring ng internal teams at partners, ayon sa Twitter.

Simula nang ma-launched ang test, nakatanggap ang Twitter ng 3.73 milyong reports ng 1.95 milyong distinct Tweets na sinulat ng 64,000 distinct accounts.

Ang misinformation ang isa sa mga biggest challenges na hinaharap ng Twitter, tulad ng iba pang social media platforms, sinabi ni Twitter Southeast Asia Managing Director Arvinder Gujral sa ABS-CBN News.

Nag-launched na ang Twitter ng ilang initiatives para malabanan ang misinformation, at tulad ng ginawa ng ibang social platforms, tinanggal na ng Twitter ang mga Tweets na nag-violate ng kanilang rules at regulation, lalo na ngayong pandemiya.

Dagdag ng Twitter na i-aapply nila ang malawak nilang karanasan sa pagpapatakbo ng isang social media platform sa panahon ng eleksyon 2022 polls sa Pilipinas.

(ABS-CBN News)

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *