Connect with us

National

Health Worker nakalimutan i-push ang content ng syringe na may COVID-19 vaccine

Published

on

vaccination protocol breach

Manila- Kinumpirma ni Makati Mayor Abby Binay ang insidente na nangyari sa isa sa kanilang vaccination hub sa Makati, at sinabing ito ay “human error that was immediately corrected.”

Sa viral na video, na nakuhaan nitong Lunes, Hunyo 28, makikitang kinukuhaan ng video ng babae mismo ang kanyang vaccination, na kung saan tinurukan ang kaniyang braso umano ng health worker pero nakalimutang pindutin o i-push ang laman ng syringe, bago hugutin ang injection.

“This is a clear breach of vaccination protocol.” Sabi ng DOH.

Pinaalalahanan ng DOH (Department of Health) ang lahat ng mga vaccinators na mag bigay ng “extra attention” kung paano sila mag- administer ng COVID-19 vaccines.

” Sinisigurado po namin na ating iimbestigahan ang pangyayaring ito upang mapabuti ang ating national vaccination program” pahayag ni Health Secretary Francisco Duque.

Source: ABSCBN