Connect with us

National

DEPED, NAGLABAS NG ALITUNTUNIN PARA SA SUMMER CLASSES SA GITNA NG PANDEMIC

Published

on

Nagpalabas ng alituntunin ang Department of Education para sa summer classes ngayong taon.

Nakasaad sa guidelines na magsisimula na ngayong araw, Mayo 11 ang pagsasagawa ng remedial, enrichment at advancement classes kasama na ang Saturday classes para sa summer 2020.


Batay naman sa inilabas na memorandum ni DepEd Sec. Leonor Briones, ang mga eskwelahang magsasagawa ng summer classes ay kailangang gumamit ng distance learning measures.

Ang nasabing distance learning ay isang pamamaraan ng pagtuturo sa mga estudyante n hindi nangangailangan ng face-to-face interaction sa pagitan ng guro at estudyante at gagamit Lang ng printed materials o online platforms.

Ang mga estudyante mula Grade 1 hanggang senior high school na merong remedial class ay kukuha na lang ng remedial class para sa school year 2020-21.

Dapat rin umanong magsumite ng implementation plan sa kanilang division superintendent ang mga paaralan na nagpaplanong magsasagawa ng remedial at summer classes bago magsimula ang bagong school year sa Agosto 24.

Years/background in Media works: 22 years
Why chose this profession: It's my DESTINY
Principle in life: Never expect. Never assume. Never ask. And never demand. Just let it be, if it's meant to be, it will happen.