Connect with us

Education

Mula Kinder hanggang Grade 3 students sa panukalang pilot face-to-face classes – DepEd

Published

on

By

Face-to-face classes for kindergarten

Ang pilot run para sa face-to-face classes ay pangungunahan ng mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 3 level. Pahayag ng DepEd kahapon, Lunes.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DepEd Usec Nepomuceno Malaluan na ang mga paaralan ay hindi mag sasagawa ng full operation habang nasa pilot testing.

“Dahil sa rekomendasyon ng DOH at medical experts na ating kinonsulta ay mag-focus lamang po tayo doon sa first key stage,’yung kindergarten,” aniya.

Ayon din kay Usec. Malaluan, hanggang 12 students lamang sa Kindergarten at hindi hihigit sa 16 sa Grade 1-3 ang pinapayagang lumahok sa nasabing face-to-face class.

Ang klase ay magtatagal lamang ng hanggang 3 oras, dagdag pa niya.

“The activities in school are mainly reinforcing activities to what will still be predominantly distance learning,”

Binigyang diin din niya ang maigting na pag-sunod at pag sasagawa ng mga preventive measures.

Mayroong kabuuang 120 na pampubliko at pribadong paaralan ang inaasahang lalahok sa isasagawang pilot test, subalit nakasalalay pa rin kay Pangulong Duterte kung aaprubahan niya ito.

Batay sa datos ng DepEd may kabuuang 17.9 milyon o 68.5% na nang mag-aaral ang naka enroll para darating na pasukan sa September 13 ngayong taon.

(Source: By JOVILAND RITA, GMA News)