Connect with us

National

433 mananaya maghahati sa napanalunang P236M grand lotto

Published

on

By

Maghahati ang 433 katao sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Grand Lotto jackpot na umaabot sa P236,091,188.40.

Kapwa nila nahulaan ang winning combination na 09-45-36-27-18-54 sa 6/55 draw nitong gabi ng Sabado.

Makakatanggap ang bawat isa sa kanila ng higit kalahating milyon o P545,245.24.

Kung matatandaan, apat ang nanalo ng jackpot na P42,945,708.20 noong Enero, tatlo naman ang naghati sa P43,912,343.80, na Lotto 6/42 draw noong Mayo, habang nitong Hulyo 9, solong napanalunan ng isang mananaya mula sa Iloilo ang P401,186,804.80 na Grand Lotto 6/55 draw.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *