Connect with us

National

₱3M Pabuya para sa makapagbibigay ng impormasyon patungkol kina ex-Bucor Bantag at Zulueta

Published

on

By

₱3M Pabuya para sa makapagbibigay ng impormasyon patungkol kina ex-Bucor Bantag at Zulueta

May ₱3 milyong pabuya na inilaan ang DOJ para sa sinuman ang makapagbibigay ng impormasyon patungkol sa dating mga opisyal ng BuCor na sina Gerald Bantag at Ricardo Zulueta. Sila ang itinuturong utak sa pagpatay kay veteran journalist na si Percival “Percy Lapid” Mabasa.

Ayon kay NCRPO Chief MGen. Edgar Okubo, patuloy ang kanilang paghahabol sa mga suspek, may pabuya man o wala. Ngunit, naniniwala rin siya na malaki ang tulong ng pabuya para makuha ang impormasyon patungkol sa kinaroroonan ng mga suspek.

Ang pabuya ay nahahati sa ₱2 milyon para kay Bantag at ₱1 milyon para kay Zulueta. Hinikayat naman ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla ang publiko na makiisa at magtulong-tulong sa paghahanap sa mga suspek.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *