Connect with us

International

Ride sa pinakamatandang theme park sa UK, bumagsak, 2 malubha

Published

on

www.europealacarte.co.uk

Bumagsak ang isang ride sa Dreamland Amusement Park na itinuturing na pinakamatandang theme park sa UK nitong Lunes at nag-iwan ng 2 sugatan.

Maririnig ang hiyawan ng nga bata habang hindi magkamayaw ang iba pang nasa parke para tulungan ang mga sakay ng bumagsak na ride.

Agad na naisugod sa ospital ang dalawang lalaking biktima kung saan ang isa ay nagtamo ng pinsala sa paa, habang ang isa naman ay napinsala ang balikay.

Ayon sa mga nakasaksi, napansin na rin umano nilang bahagyang nakatagilid ang magic-carpet style na ride,  hangang sa tuluyan na itong gumuho.

Dagdag pa dito, lumalangitngit din umano ang nasabibingn ride, ilang minuto matapos itong buuin.

Maswerte namang wala ng iba pang nasugatan sa insidente.

Ang Dreamland Amusement Park na napag-alamang itinayo noon pang 1843 ay pansamantalang isinara, subalit binuksan din agad matapos ang isang araw.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *