Connect with us

Iloilo News

QR Code Registration para sa mga papasok sa establisyemento ipapatupad na sa lungsod ng Iloilo

Published

on

Ipapatupad ng Iloilo City Government ang paggamit ng QR Code para sa lahat na papasok sa mga establisyemento at opisina ng lungsod para mapadali ang contact tracing.

Ayon kay IT Division head Francis Cruz, dapat magpa-rehistro ang lahat kabilang na ang mga lumalabas at pumapasok sa lungsod.

Para makakuha ng QR Code maaaring magpa-rehistro sa www. uswagtracer.com.

Kailangan ipakita ang QR Code para makapasok sa mga establisyemento.

Dagdag naman ni Cruz, sa ngayon hindi pa magiging mahigpit ang lungsod dahil mayroon pang dalawang linggo na moratorium para maka-comply ang lahat.