Connect with us

Iloilo News

23-ANYOS NA BABAE, GINAHASA UMANO NG 2 LALAKING KAINUMAN; BIKTIMA HUMINGI NG TULONG SA EX BOYFRIEND

Published

on

By

INAREKLAMO ng panggagahasa ng 23-anyos na babae ang dalawang (2) lalaking kasama niya sa inuman sa isang barangay sa Oton.

Ayon kay Police Corporal Josie Arrida ng WCPD Oton, Oktubre 10 nang nagreklamo ng panggagahasa sa kanilang tanggapan ang 23-anyos na babae.

Batay sa ulat, sinabi ng biktima na sinundo siya ng kanyang 22-anyos na chatmate alas 7 ng gabi sa kanilang bahay.

Salaysay pa ng 23-anyos, 7:30 ng gabi nang simula silang mag-inuman sa tapat ng bahay ng 22-anyos.

Matapos silang mag-inuman dinala daw siya na lasing sa bahay ng kanyang chatmate.

Paliwanag ng biktima, una siyang ginahasa ng kanyang chatmate at sinundan ng isa pang lalaki na isang 21-anyos.

Nakasaad sa impormasyon na 5 silang magkasamang nag-inuman.

Advertisement

Tumawag umano ang biktima sa kanyang ex-boyfriend na nakatira rin sa nasabing bayan para humingi ng tulong rason na pinuntahan siya at para samahan sa police station.

Itinanggi naman ng dalawang lalaki ang paratang sa kanila.

Himas-rehas ngayon sa Oton Police Station ang mga suspek.

Samantala, batay sa pulisya may asawa umano ang 23 anyos na babae mula Dumangas at umuuwi lang ito sa Oton sa para bisitahin ang kanyang pamilya.

Via: Aksyon Radyo Iloilo

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *