Connect with us

Iloilo News

TAAS-PASAHE HIRIT NG ILANG TRANSPORT GROUP DAHIL SA PATULOY NA TAAS-PRESYO NG PETROLYO

Published

on

By

NAGBANTA ang ilang transport group sa Iloilo City na hihirit sila ng taas pasahe dahil sa patuloy na taas ng presyo ng produktong petrolyo.

Kinumpirma ito mismo ni Iloilo City Loop Alliance of Jeepney Operators and Drivers Association (ICLAJODA) Pres. Raymundo “Boyet” Parcon.

Aniya, nag-meeting sila kasama ang taga-Iloilo City Alliance of Drivers Association (ICADA) at Iloilo City Alliance of Jeepney Owners and Drivers Association (ICAJODA) kaugnay sa kanilang apela.

Sinabi ni Parcon na plano nila ang P2.50 na dagdag pasahe.

Paliwanag pa niya hindi pa pinal ang desisyon dahil kailangan pa nilang pag-usapan ito kasama ang LTFRB.

Paghahanda lang umano nila ito dahil malapit na sa P50.00 ang presyo ng kada litro ng diesel.

Lahad pa ni Parcon, masakit ito para sa mga driver dahil 50% pa lang ng capacity ng kada-jeep ang pinapayagan. Dagdag pa niya, may ka-kumpetensiya pa sila na mga libreng sakay.

Advertisement

Sa ngayon, nasa P9.00 pa lang ang minimum na pamasahe ng jeep sa lungsod.

Via: Aksyon Radyo Iloilo

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *