Connect with us

Facts & Trivia

5 Herbal Plants na madaling itanim at maganda para sa ating kalusugan

Published

on

Sa mga plantito at plantita diyan, pwede niyo idagdag ang mga herbal plants sa inyong koleksyon. Ang herbal plants ay hindi lang ginagamit pang-medisina, kundi ginagamit rin ang mga ito sa pagluluto.

Malaki din ang maitutulong nito sa ating kalusugan at madali lang itong itanim. Ang herbal plants ay mayaman sa vitamins at nutrients. Napa-panahon din ito dahil sa pandemya para mapanatiling malusog at malakas and ating immune system.

Basil

Basil

Trivia:
Alam niyo ba na ang salitang “basil” ay nagmula sa mga Ancient Greek na“basilikhon” na nangangahulugang royal? Ito ang dahilan kung bakit sinasabi nilang isang sacred at noble herb ang basil.

Benefits:
May mga compounds ang basil na nakakatulong makabawas ng stress, depresyon at pagkabalisa; nakakapagpababa pa ng blood sugar at cholesterol.

Care tips:
Ang mga basil seedlings ay uusbong sa pagitan ng pito hanggang 10 araw. Kapag napansin na hindi lumalaki ang iyong halaman, lagyan ito ng liquid fertilizer sa paligid ng base nito. Regular na anihin ang basil bawat buwan sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga dahon na kailangan sa pagluluto para nang sagayon, tubuan ito ng mga bagong dahon.

Siguraduhin na ilagay ang basil sa ilalim ng araw sa loob ng walong oras kada araw at regular na diligan ito para maganda ang tubo ng dahon.

Mint

Mint

Trivia:
Kung may unibersal na herb, siguro, mint iyon. Bakit? Kasi ang mint ay tumutubo sa lahat ng bahagi ng kontinente maliban sa Antartica.

Advertisement

Benefits:
Mayaman sa nutrisyon tulad ng Vitamin A, maganda para sa mga mata. Nakakatulong rin ito para ma- relieve ang indigestion at irritable bowel syndrome.

Care tips:
Ilagay ang halamang mint sa iyong tahanan na hindi direktang nasisikatan ng araw. Nakakabenipisyo sa mint ang regular picking at pruning, kaya wag kang mag-alala na anihin (as much leaves as you need). Para sa mas magandang kalidad ng mint, pitasin ang mga dahon nito bago pa lamang mamulaklak.

Parsley

Parsely

Trivia:
Alam niyo ba noong ancient times, ang mga wreaths ay gawa sa parsley upang maiwasan ang intoxication? Kahit pa noong third century B.C. ginagamit na ang parsley na pampalasa at palamuti sa pagkain.

Benefits:
Puno ang parsley ng antioxidants at vitamin K, isang mahalagang bitamina para sa mga buto. At natural diuretic pa ito na nakakatulong mag pababa ng bloating at blood pressure.

Care tips:
Gustong-gusto ng mga parsley ang liwanag ng araw, kaya siguraduhin na kapag itatanim ito sa loob ng bahay, ilagay ang kanyang lalagyan o pot sa isang maliwanag na lugar. Lumalago rin ang parsley sa mga moist soil, huwag kalimutan diligan ito isa hanggang dalawang beses sa loob ng isang lingo.

Thyme

Thyme

Trivia:
Ang Thyme ay nagsisimbolo ng katapangan noong panahon ng Ancient Greece. Ang mga Roman soldiers noon, nilalagyan ng thyme ang kanilang tubig na pampaligo para makakuha sila ng tapang at lakas.

Benefits:
Ang bulaklak, mga dahon, at oil ng thyme ay ginagamit bilang gamot. Ang thyme ay puno ng bitamina at mineral tulad ng Vitamin C, fiber iron at copper.

Advertisement

Care tips:
Itanim ito sa sandy, well-drained na lupa bago mo diligan sapagkat ang thyme ay drought resistant. Gaya ng mga ibang herbs, mahilig rin sa liwanag ng araw ang thyme. Para makuha ang magandang flavor ng thyme, pitasin ang mga dahon nito bago pa lamang mamulaklak.

Rosemary

Rosemary

Trivia:
Gusto mo bang magbigay ng kakaibang regalo na siguradong hindi makakalimutan? Bigyan ang iyong matalik na kaibigan o kapamilya ng rosemary dahil nasusulat sa mga panitikan at alamat, ang rosemary ay sagisag ng pag-alaala at katapatan.

Benefits:
Ang halimuyak ng rosemary ay nakakapagbigay ng (clear mind) at nakakapagpabuti pa ito ng pakiramdam. Kaya rin nito mabawasan ang iyong stress. Ang rosemary ay mayaman sa iron, calcium at Vitamins A, C at B-6.

Care tips:
Siguraduhin na hindi masobrahan sa pag dilig ang rosemary at ilagay ito under indirect sunlight. Kapag nakalagay sa isang paso ang iyong rosemary, hindi na ito nangangailangan ng fertilizer, pero kapag nagmumukhang maputlang berde ang rosemary, pwede itong lagyan ng dry fertilizer o dilute solution ng isang water-soluble liquid fertilizer.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *