Connect with us

Capiz News

MAGSASAKA TINAGA HABANG NATUTULOG SA KANILANG BAHAY SA DUMARAO, CAPIZ

Published

on

Isang magsasaka ang tinaga habang natutulog sa kanilang bahay sa Brgy. Traciano, Dumarao, Capiz dakong alas-11:00 ng gabi ng Biyernes.

Kinilala ang biktima na si Rowel Pagayon Layes, 38-anyos, residente ng nasabing lugar.

Ayon sa report ng Dumarao PNP, natutulog umano ang biktima nang magising ito matapos makaramdam ng pananakit sa kaliwang bahagi ng mukha.

Nang usisain ng biktima, nakita nito na mayroong dugo ang mukha kaya agad itong humingi ng tulong sa kaniyang mga kapitbahay.

Agad siyang dinala ng kaniyang mga kamag-anak sa Dumarao Medicare Hospital pero kalaunan ay dinala rin sa Roxas Memorial Provincial Hospital para sa karagdagang paggamot.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Dumarao PNP para matukoy ang suspek.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *