Connect with us

Capiz News

Lalaki na papasok sa trabaho binaril ng riding in tandem sa Pres. Roxas, Capiz

Published

on

Patuloy ngayong iniimbestigahan ng Pres. Roxas PNP ang motibo at pagkakilalan ng mga suspek sa pagbaril sa isang lalaki sa Brgy. Pondol, Pres. Roxas, Capiz.

Kinilala sa ulat ng kapulisan ang biktima na si Ludovico Barrogo, 34-anyos, residente ng Brgy. Sangkal sa nasabing bayan.


Napag-alaman na umaga ng Martes, naglalakad ang biktima patungo sana sa kaniyang trabaho sa Brgy. Casanayan, Pilar nang mangyari ang pagbaril sa kaniya.

Batay sa paunang imbestigasyon ng kapulisan, binaril si Barrogo ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek habang sakay ng isang motorsiklo na mabilis tumakas matapos ang krimen.

Pinaniniwalaang .45 kalibre ng baril ang ginamit kontra sa biktima. Nagtamo ito ng sugat sa iba-ibang bahagi ng katawan.

Naka-confine ngayon sa Roxas Memorial Provincial Hospital ang biktima para sa kaukulang paggamot.

Program/Beat: TODO Aksyon Years/background in Media works: 12 years Why chose this profession: IT'S MY PASSION.Principle in life: BE KIND TO ANIMALS.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *