Connect with us

Capiz News

Bus at van nagbanggan sa Dumarao, Capiz; tatlo sugatan

Published

on

Sugatan ang driver at dalawa nitong pasahero matapos sumalpok ang sinasakyan nilang van sa isang bus sa Brgy. Bungsuan, Dumarao, Capiz.

Ayon sa report ng Dumarao PNP, binabaybay ng bus ang kahabaan ng national highway mula sa Brgy. Astorga patungong town proper nang maganap ang insidente.


Ang pampasaherong bus ay menamaneho ni Erlyn Sunico, 33, residente ng Brgy. Aglanot sa parehong bayan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na lumagpas sa kaniyang linya ang van dahilan para sumalpok ito sa kasalubong na bus.

Ang driver ng van ay kinilalang si Argie Balayo, 35, habang ang mga pasahero nito ay sina Famila Balayo, 27, at Jonalyn Brunio, 33, pawang mga residente ng Brgy. Tamulalod.

Agad isinugod sa Capiz Emmanuel Hospital ang mga sugatan para sa kaukulang paggamot.

Nasa pangangalaga ngayon ng Dumarao PNP ang mga sasakyan para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *