Connect with us

Capiz News

Lalaki binaril sa Panay habang naglalakad

Published

on

Isang lalaki ang binaril sa Sitio Bagucan, Brgy. Candual, Panay gabi ng Linggo habang naglalakad.

Kinilala ang biktima na si Jonas Deceber Almorin, 30-anyos, habang ang suspek naman ay si Tommy Dela Cruz, 42, parehong mga residente ng nasabing lugar.

Ayon sa report ng Panay PNP, papauwi na sana ang biktima sa kanilang bahay dakong alas-8:30 ng gabi nang bigla nalang umano siyang binaril ng suspek.

Agad na nakatakas ang suspek matapos ang insidente habang mabilis namang isinugod sa ospital ang bitkima para sa gamotin.

Iniimbestigahan pa ng kapulisan ang nangyari.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *