Connect with us

Capiz News

27-ANYOS NA LALAKI NA MAY KASONG CARNAPPING SA CAPIZ ARESTADO SA ILOILO

Published

on

Isang 27-anyos na lalaki na may kasong Carnapping sa Capiz ang naaresto ng kapulisan sa IloIlo City.

Kinilala ang akusado na si Stephen Manate y Montero, isang bagger, residente ng Brgy. Layog, Maasin, Iloilo.

Siya ay inaresto ng kapulisan nitong Biyernes ng hapon sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Presiding Judge Kristine B Tiangco-Vinculado ng RTC, Branch 16, Roxas City, Capiz nitong November 18.

Nahaharap ang akusado sa kasong New Anti-Carnapping Act of 2016 (RA 10883) Sec. 4. Php72,000 ang itinakdang pyansa ng korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

Nakakulong ngayon sa Roxas City PNP Station ang akusado para sa kaukulang disposisyon.

Ang operasyon ay ikinasa ng joint elements of Roxas CCPS, PHPT Capiz and RHPU 6 Intel sec.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *