Connect with us

Aklan News

Trike, motor at bisekleta nagkarambola

Published

on

By

Nasangot sa aksidente ang isang traysikel, motorsiklo at bisekleta kagabi sa Brgy. Albasan, Numancia.

Ayon kay Patrolman Baliguat ng Numancia PNP, lumagpas sa kanyang linya ang driver ng motorsiklo na si Anthony Custodio, 40, ng Mantiguib at dumiretso sa linya ng traysikel na minamaneho naman ni Mary Angel Galino, 23 ng Laguinbanwa West, Numancia.

Tinangka pa nitong umiwas pero bumangga pa rin sa sidewheel ng traysikel at natumba dahilan kaya nasagi ang isang menor de edad na nagbibisekleta.

Dinala sa pagamutan ang tatlo pero agad namang nakalabas dahil minor injuries lang ang kanilang tinamo.

Nakatakdang mag-usap ngayong araw ang tatlo sa Numancia PPNP kaugnay sa aksidente.

Nabatid na nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin ang driver ng motor nang maganap ang aksidente.