Connect with us

Aklan News

RIDER NG MOTORSIKLO, PATAY MATAPOS SUMALPOK SA PAJERO; ANGKAS, SUGATAN DIN

Published

on

Batan – Patay ang isang rider ng motorsiklo habang sugatan din ang angkas nitong babae, matapos sumalpok sa isang Pajero, alas 6:35 kaninang umaga sa Sitio Maeobong, Lalab, Batan.

Nakilala ang rider na si Kent Jasper Chua, 24 anyos ng Dulunan, Arevalo, Iloilo, at ang angkas nitong si Stella Mae Suarez, sa legal na edad, at residente rin ng probinsya ng Iloilo.

Base sa imbestigasyon ng pulis, galing Iloilo papuntang Kalibo ang mga biktima nang mawalan umano ito ng kontrol sa pagmamaneho pagdating sa kurbadang kalsada doon.

Resulta, sinalpok nila sa kabilang linya ang isang Pajero na minamaneho ni Freddie Malbas, 70 anyos ng Estancia, Kalibo.

Kaagad dinala sa Altavas Hospital sina Chua at Suarez matapos magtamo ng mga pinsala sa katawan, bago inilipat sa pribadong ospital, kung saan binawian ng buhay si Chua.

Mapalad namang hindi nasugatan ang driver ng Pajero at kasama nito, sanhi ng insidente.

Sinasabing kapwa nawalan ng malay sina Chua at Suarez, matapos umanong tumilapon dahil sa lakas ng pagkakabangga.

Advertisement

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.