Connect with us

Aklan News

PULIS, SINIGAWAN AT SINUNTOK NG LASING

Published

on

Isang pulis ang sinigawan at sinuntok ng isang lasing na suspek kahapon.

Nagresponde ang biktimang si PCpl. Marvin Dequilla sa isang construction barracks sa Brgy. Balabag, Malay kung saan may nangyayari umanong komosyon sa pagitan ng mga suspek na sina Eric Lorenzo, 29, ng Tangalan, Aklan at Florento Hermano, 30, ng Eastern Samar.


Kapwa nagtamo ng pinsala ang mga suspek na dinala sa Malay PNP.

Pero patuloy pa rin ang pagwala ng suspek na si Hermano sa istasyon ng pulis at sumigaw ng mga katagang, “P*tang-ina kayong mga pulis kayo, matapang ako kasi waray ako.”

Sinubukan siyang pakalmahin ni PCpl. Dequilla ngunit napagbuntungan niya ito at sinuntok sa pisngi.

Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek sa lock-up cell ng Malay PNP.

Program/Beat: Reporter/Boracay
Years/background in Media works: 10 years
Why chose this profession: Passion
Principle in life: “Do what You Love...

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *