Connect with us

Aklan News

64 ANYOS NA MAGSASAKA, BINARIL PATAY

Published

on

Photo Courtesy| Balete PNP (Makikita sa larawan ang mga kapulisan habang nagsasawa ng imbestigasyon sa lugar na pinangyarihan ng krimen.)

Binaril patay ang isang 64 anyos na magsasaka alas 6:40 kagabi sa Sitio Saeag, Cortes, Balete.

Nakilala ang biktimang si Geronimo Montoya Perez ng nasabing lugar, habang arestado naman ang suspek na si Edilberto Rizo Royo, 59 anyos ng Sitio Ginhambaran, Aranas, Balete.


Base sa inisyal na imbestigasyon ng Balete PNP, nakarinig umano ang asawa at anak ng biktima ng 5 putok ng baril mula sa kanilang kubo kung saan ito nagpapahinga rason na kaagad nila itong pinuntahan.

Duguan at nakadapa na umano ang biktima sa sahig nang datnan ng kanyang asawa at doon na rin binawian ng buhay.

Subalit bago nalagutan ng hininga, sinasabing nagawa pang sabihin ng biktima ang pangalan ng suspek dahilan ng kanyang pagkakaaresto sa kanilang bahay kagabi.

Samantala, narekober naman ng mga pulis sa lugar ang 3 fired cartridge ng kalibre 45 at 1 slug, subalit walang narekober na anumang baril mula sa suspek.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis para matukoy ang motibo sa insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *