Connect with us

Aklan News

PATAY NA BALYENA, NATAGPUAN SA DALAMPASIGAN NG BORACAY ISLAND

Published

on

By

Photo Courtesy| Ernesto Bandiola Cruz

Ayon sa uploader na si Ernesto Bandiola Cruz, natagpuan ni Dennis Casimero ang patay na balyena kahapon, September 15, dakong 6:00 ng hapon sa baybaying sakop ng Sitio Sugod, Manocmanoc, Boracay.

Naagnas na ang ilang bahagi ng katawan ng balyena na maikukumpara raw ang laki sa isang pumpboat na 40 pax ang kapasidad.

Nangangamoy na rin ito nang kanilang matagpuan.

Idinulog na nila sa Department of Environment and Natural Resources ang naturang insidente.

Narito ang iba pang larawan ng balyena.