Connect with us

Aklan News

Motor repair and vulcanizing shop, inabo ng apoy sa Bagong Taon

Published

on

By

PHOTO: BFP Numancia FireStation/Facebook

Nilamon ng apoy ang isang motor repair and vulcanizing shop sa Brgy. Sta Cruz, Lezo sa kasagsagan ng Bagong Taon.

Nakatanggap ng tawag ang Numancia FireStation na nasusunog ang shop na pagmamay-ari ni Joseph Ibardolaza dakong alas-4:24 ng madaling araw.

Pagdating sa lugar ay agad nilang inapula ang apoy na idineklarang fireout mga alas-5 ng umaga.

Nadamay sa sunog ang isang sasakyan at maswerte naman na hindi naabot ng apoy ang bahay na halos walong metro lang ang layo mula sa shop.

Inaalam pa ng BFP kung ano ang ugat ng sunog.

Samantala, P180,000 naman ang initial damage na idineklara ng mga otoridad.