Connect with us

Aklan News

Mag-amang nakamotor, tumilapon nang salpukin ng humaharurot na kotse

Published

on

By

Tumilapon ang mag-amang nakamotorsiklo matapos masalpok ng humaharurot na kotse kahapon sa Brgy. Toledo, Nabas.

Kasalukuyang naka-confine sa isang pribadong ospital sa Kalibo ang mag-ama matapos magtamo ng matinding pinsala sa katawan.

Kitang-kita sa CCTV ang pagsalpok ng kotse sa motorsiklong sinasakyan ng mag-ama na tumatawid ng kalsada papunta sa direksyon ng Caticlan.

Batay sa Nabas PNP, galing sa Tibiao, Antique ang driver ng kotse at papunta din sa Caticlan.

Napag-alaman na nagkasundo rin ang magkabilang panig matapos mangako ang pamilya ng driver ng kotse na tutulong sila sa mga gastusin ng mga biktima sa ospital.