Connect with us

Aklan News

Lolo, natagpuang patay sa may tabing-ilog sa Man-up, Altavas

Published

on

By

Wala nang buhay ng matagpuan sa may tabing-ilog ang isang senior citizen sa Brgy. Man-up, Altavas.

Tumawag sa Altavas PNP si Brgy. Kagawad Joemari Solana para magsumbong tungkol sa nakitang bangkay dakong alas-10:30 ng umaga kahapon.

Napag-alaman kalaunan na ang biktima ay si Romeo Estiquita, 64 anyos na residente rin ng lugar.

Hindi naman nakitaan ng anumang sugat sa katawan ang biktima batay sa pulisya.

Pero isasailalim ang katawan nito sa autopsy para matukoy kung ano ang dahilan ng kanyang pagkamatay.